Wowowee, talagang di na napigilan pa ang pagboto ng mga tao kay Jovit Baldivino at iniluklok na sya sa pedestal sa kanyang pagkapanalo sa Pilipinas Got Talent grand finals kanina. Itong batang ito ay sadyang may magandang boses talaga at higit sa lahat may espesyal na karisma sa kanyan mga labi. Hindi ko inaakalang ganun pala sya kagaling kumanta at humatak sa tao dahil talaga naman sinubaybayan ng marami ang kanyang mga performances na ginawa.
Ngayong sya na ang itinanghal na grand finals champion ng PGT program ay sana wag naman umakyat sa kanyang ulo ang pagsikat na tila di na mapipigilan pa. Halata namang walang packaging ang batang ito pero tingnan natin kung ano ang magagawa ng mga cosmetics at pera sa kanya sa kalaunan. Abangan na lamang natin ang malaking pagbabago sa kanyang kaanyauang pangkabuuan.