Ito ang Sikat Ang Pinoy websayt at marahil ay nagtataka kayo kung bakit at papaanong naging sikat ito dahil sa nasa itaas na ito ngayon ng resulta sa Gugol kapag naghanap kayo ng mga terminong serye - “sikat ang pinoy”. Alam ko, hahanapin ninyo kung bakit at kung papaanong nangyari ito gayung makikita naman na walang kawing ang websayt kong ito. Hulaan nyo na lang at tangkaing pataubin ang pagiging nasa unahan ng websayt kong ito sa resulta sa Gugol.
Sana ay makita ninyo at sana ay tigilan na ang mga maling akala na nandudugas ang iba sa paligsahang ito dahil ang totoo naman ay hindi at alam kong wala isa man sa mga kalahok ang maaring nandudugas dito. Sila ay masipag lamang. Yung mga iba naman pong puro haka haka ang laman ng salita kung bakit nasa unahan ang websayt ni ganito ang ni ganyan, tigilan na rin po natin yan. Isa lang ang alam ko at siguradong toto sa mundo ng SEO at iyon ay ang “kung masipag ka gumawa ng kawing ay sigurado ang iyong tagumpay sa resulta ng Gugol”.
Gawin mo muna ang kung anu man ang makakaya mo bago ka magreklamo. Yung iba kasi kahit alam nilang kulang ang kanilang paghihirap sobrang gusto ng malaking kapalit pag pinag uusapan na ang resulta sa hanapan ng Gugol. Para sa tagumpay - magsipag upang maging Sikat Ang Pinoy!!!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.