Sikat Ang Pinoy

Alamin kung talagang sikat ang Pinoy sa aking local Pinoy blog

Efren Penaflorida isa sa mga sikat na pinoy

December 28, 2009

Sikat ang Pinoy…Oo alam ba ninyo na talagang laganap na ang isa sa mga sikat na Pinoy sa buong mundo at isa sa mga tinitingalang pangalan sa larangan ng kawanggawa. Ito pong sinasabi kong sikat na Pinoy ay wala pong iba kung hindi si kuya Ef o kilala sa pangalang Efren Penaflorida na isang tubong Caviteno.

Sya po ay sumikat sa kanyang pagkapanalo bilang “CNN hero of the Year 2009″. Kamakailan lamang po ng sya ay maawardan bilang nanalo sa nasabing pandaigdigang patimpalak sa kung sino sa palagay ng mga tao ang pinaka sikat na taong may kusang loob na tumulong sa kapwa na hindi naghihintay ng anu mang kapalit. Si kuya Efren po ang nagpakilala sa mundo kung gaano kahirap sa Pilipinas at para sa mga Pinoy ang makapag aral ng wasto sa isang maayos na paaralan.

Ipinakilala din po ni kuya Efren sa buong mundo at sa lahat ng mga Pinoy na talagang walang makatatawad sa kakayahan at kagustuhan nating makatulong sa kapwa kahit na wala itong anu pa mang kapalit pa pinansyal o anu mang ganansya na anu mang uri. Mabuhay ka kuya Ef sa iyong mahalagang pakay para sa mga kabataan at sa sambayanang Pilipinas. Mabuhay ka sa iyong pagpapakalat ng kariton klasrum.

Posted by sikatangpinoys at 12:04 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








     

December 2009
M T W T F S S
    Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sino Ako

Ako po ay isang Pinoy, hindi sikat ngunit sinukat ko na ang ibat ibang pag uugali ng mga tao, karamihan ay mga Pinoy sa ibat ibang sulok ng Pilipinas. Dito ko nalaman kung gaano ka- sikat ang Pinoy at ako ay naniniwala na wala ng hihigit pa sa ating lahi bilang mga Pilipinong kayumanggi.

Recent Photo