Aba medyo naiiba yata ang tema ng aking post ngayon dahil itong isang sikat na Pinoy na aking itatala ang pangalan at ipangangalandakan ay hindi sumikat sa kagalingan at pagka ekselente sa anu pa mang positibong larangan. Itong si Andal Ampatuan Jr, mayor ng Datu Unsay ay kasalukuyang sumisikat na Pinoy dahil sa pagiging suspek nya sa kamakailan lamang na pinakamalaking masaker dito sa Pilipinas - Ang Maguindanao Masaker.
Ayon sa mga report sa pahayagan si Andal Ampatuan Jr, ang itinuturong mastermind ng Maguindanao Masaker kung saan mahigit sa 20 mamamahayag ang pinatay ng walang awa gamit ang isang damamakmak na baril at isang backhoe. Ang backhoe na ito at ang operator ang mga taong pumaslang at ang nyaring makina na panghukay lamang ang nalalabing testigo sa pagkamatay ng 57 katao sa ngayon na hindi pa ring nabibigyan ng hustisya.
Ewan ko ba sa gobyernong ito at sa sistema ng jurisdiksyon sa Pilipinas kung papaanong hanggang ngayon ay tila wala pa ring malinaw na resulta sa naganap na malagim na pamamaslang mahigit na 1 buwan ang nakararaan? Kailan nga kaya ito mabibigyan ng linaw? Kung patay na ang lahat ng mga kaanak ng mga biktima? Sana ay gawan na ito ng mas mabilis na aksyon upang manahimik na din ang mga kaluluwa ng mga namatay sa lugar kung saan ang mga taong pinaslang ay doon din inilibing, ang iba pa nga ay binaon ng buhay. HUSTISYA PARA SA LAHAT NG BIKTIMA SA AMPATUAN MASAKER!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.